Ride Safe Epay!

Updated: Sep 10, 2019

Bakit nga ba tayong mga Pinoy ay mahilig magpaganda at magaling mag-alaga ng motor? Tama lang ba na gumastos tayo para lang mapaganda pa lalo si Epay?





Venom Decals for Raider 150 Fi w/ Paps Mark Estrera

The Suzuki Raider R150 is among the more popular underbone rides around these parts. Look around and you'll see lots of these babies zooming here and there. Of course, this is with good reason. Not only is the Suzuki Raider R150 affordable, it is also reliable, efficient and fast.

c: topgear.com.ph




Ang Kasagutan


Karamihan sa ating mga Pinoy ay ginagawa ang lahat para lang makasurvive at matustusan ang ating mga pangangailangan. Madalas, ang dahilan kung bakit tayo kumuha ng motor ay para maibsan ang tagal ng ating byahe dahil sa sobrang traffic. Pangalawa nating dahilan ay mas makakatipid tayo sa pamasahe kung mayron tayong sariling masasakyan.


Masasabi ba nating ok lang ang gastusan si epay sa decals at accesories?


Depende sa tao yan! Kung alam mo na hindi sya pasok sa budget mo ay ipagpaliban mo na muna. Pero kung meron ka namang extra at afford mo naman, why not diba?


Ang motor natin ay hindi lang isang makina na sinasakyan natin kung saan natin gustong magpunta. Marami sating mga pinoy ang turing sa motor ay parang tao din, kapartner natin sa buhay. Yung iba nga satin binibigyan pa natin ng pangalan si epay!

Kaya bakit mo naman hindi gagastusan si epay kung araw araw naman nating syang kasama. Araw-araw nating kasangga sa kalsada. Isa pa, masarap din sa pakiramdam na maayos tingnan ang ating mga motor, para kasing ito yun trophy natin sa lahat ng pinaghihirapan natin sa araw-araw, sa trabaho man o sa tunay na buhay!


#RaiderInvasion

#VenomDecals

#Raider150Fi

36 views0 comments

Recent Posts

See All